Tuesday, October 7, 2008

whaaaaat

wahaha... may latest mga kabaryo... visit nyo blog ni vivian, kawawang kubang liyad, .. ang pag ibig nga naman di mo alam basta basta na lang dumadating , kahit hindi mo hanapin kusang magpapakita at lalapit sayo,...ahmmmm... bakit nga ba ang love kalimitan nagsisimula sa pagkakaibigan hanggang sa di mo namamalayan, iba na pala yung nararamdaman mo akala natin kaibigan pa rin yun pala iba na...... cguro kapag dumating ang ganyang pagkakataon o sitwasyon, maging totoo na lang tayo, walang masama kung magkatuluyan ang isang magkaibigan, di ba vivian at sam,,,,................................................. wag nyo naitago ang nararamdaman nyo...hehehehe

C... P... A ...M

Samahang nagpapatibay ng bawat isa,

walang iwanan at patuloy ang damayan,

ang samahang simple at may ibubuga,

may pakikisama, masaya, magulo,

pero nakakabilib na pagkakapatiran!



"barkada ko to!"

ang barkadahang di ka iiwan anumang ang mangyari, sa anumang sitwasyon buo pa rin at walang humihiwalay, sa kasiyahan, sa iyakan, sa problema, sa kakulitan, kaingayan, kaguluhan at pagdadamayan, may pakialam ,concern at pagalala sa bawat isa, sa mga proyektong gagawin anjan pa rin lahat ibat iba man ang grupo na kinabibilangan, anjan pa rin ang pagtutulungan ang pagbibigay ng idea, pagtulong sa pagpapaganda ng ginagawa, may kompetisyon man sa mga school activities hanggang dun lang yun dahil sa puso ng bawat isa walang kompetisyong nagaganap, walang mangunguna, walang iibabaw, walang lalaglag at walang iiwanan, sabay sabay na aangat at aabutin ang pinapangarap, bilang isang miyembro ng samahang ito i'm very PROUD na kabilang ako sa ganitong uri ng samahan... hindi mo basta basta makikita at makikilala ang mga ganitong tipo ng tao, mahihirap man pero may ipagmamalaki, hindi man sa pera o anuman yaman dito sa mundo, maipagmamalaki mo naman ang nasa loob ng puso ng bawat isa....

nalalapit na ang paghihiwalay ng bawat isa sa amin, malapit na kasi namin lisanin ang lugar na di namin malilimutan, ang lugar kung saan nabuo, napatibay ang samahan, ang lugar na nagkakilala ang bawat isa sa amin...ang lugar na nagsilbi naming tambayan,tahanan at saksi sa mga pinagdadaanan, sa problema man o kasiyahan.... ang Colegio ng LUngsod ng Batangas....
sa sunod na taon patuloy ng magpapaalam ang bawat isa sa amin...Sana ang pagpapaalamanan na magaganap ay hindi yung iwanan at kalimutan, sana ito ay isang gudluck sa sunod na level ng ating buhay, goodluck sa panibagong makikilala at magiging kaibigan... at pagdating ng tamang panahon ay magsamasama muli ang lahat.......................................


"wag nyo kaming hahamunin at susubukan dahil alam namin ang salitang 'PAGLABAN! "

sembreak adventure....







..cguro ngayon pa lang nagiisip na tayo kung anong balak ngayong sembreak, madami ng liwaliw ang pumapasok sa isip ko, ang magrelax , magpakasaya, pumunta kung saan gusto, bumarik kasama ang barkada, tumambay hanggat kaya, makigulo sa barkadang matagal tagal na ding di nakakasama, makipagkumustahan sa kanila, magbakasyon sa ibang lugar, at ciempre ang bonding ng magkakaklase na kasama sa hirap at saya, maulit yung kasiyahan ng huling sembreak namin, at ibalik yung magandang alaala na naipon naming magkakaklase, makasama sila ng na di pinaguusapan ang mga project, usapang kaibigan at kapatirang ng nagiisang grupo ng CP-AM (clb) ..grupong patuloy na tumitibay anumang harapin at pagdaanan,...haizzzz, makakaya ko bang gaawin yun???????????????????????.... pero hanggang sa isip ko na lang ata yun... sa sitwasyon ngayon kelangang paghandaan ang mga dadating na araw, ang magipon at maghanap na lang ng trabaho ang nararapat kong gawin... cgurado sa 2nd sem balda na naman ang bulsa ng tatay sa mayat mayang paghingi ng kwarta.... sigurado ko din na sa sembreak magiging busy pa din ang mga katulad ko, isa pa di pa rin nakakapag hanap para sa ojt, sa sembreak kasi namin balak maghanap di kasi namin maisabay ngayon kasi kulang kame sa tym....

final exam....


...3 subject ang may written exam namin.pero kahit tatlo lang yung subject tambak naman ang notes na dapat i-review, buhay estudyante nga naman mahirap, masaya, challenging.minsan nakakasura na....hehehe, pero ok pa rin naman ang ganun estudyante e dapat magtyaga, kung ang mga teacher nga nagpapakahirap at matiyagang gumagawa ng mahirap na exam,,dapat tayo din magtiyaga, para din sa atin tong ginagawa nila...e. unang araw napasabak agad, sa business system developement, kakalugaw ng utak ang enumiration at definition, at areng true or false ang pinakaayaw ko, puro hula lang talaga, pero buti na lang nareview ko yung mga quiz dati, lahat kasama yun kea di na ko maiitlog... hehehe.... sunod na araw, ngayon after nitong lab namin sa web page exam namin sa public speaking,,,, dami ding saulohin di nga namin alam kung ano exam, surprise exam lage e, baka essay na naman dun pa naman ako mahina sa pasconstract ng english...... yaeh na... bahala na lang mamaya...gudluck na lang....

sem break....

malapit na ang sembreak di pa rin kame magkaandugaga sa project, mukha atang magigipit na naman sa tym ang lahat, friday na ang submit, ala kaming mapaggawaan ng project, ala kasing install ng visual basic yung pinagcocomputeran namin, sa iba naman punuan, makakaya kaya namin matapos hanngang bukas, rush hour na naman cgurado damay pati mga bulate sa tyan, di makakakain na naman e..... may presentation pa kami sa p.e sa monday at may program pa sa tuesday... haizzzz

Saturday, October 4, 2008

si lola.....


valentina....hahahaha.......a cute mo jan tol... sana ganyan ka na lang..hehehe...

the owl and the pussycat the making...




...puro na ata kamalasan at kabalbalan ang inabot namin sa nagdaang linggong ito, biruin ba naman, sa isang araw na preparation ay pahirapan talagang mabuo namin ang dalawang sayaw at isang speech choir, naubusan na kame ng masasakyan,inabot pa kami ng malakas at nakagigimbal na ulan, halos basang sisiw kaming lahat sa loob ng tricycle, para kaming sardinas na nagsisiksikan sa loob, lusong sa baha, lusong sa putikan, ng maabot na namin ang aming tinatahak na lugar, di namin namalayan na lumampas kami sa lugar na aming patutunguhan, at ng makarating kami, bigla na lang kumalma ang nagsusungit na kalangitan, hayop na ulan na yun para atang nananadya... at nung oras na yun di rin nakikisama ang mga alaga namin sa tyan, galit na galit at animoy nagwawala sa kagutuman, nung oras sing yun nagsimula na kaming magluto, sa tagal ng pinaghintay namin, aba nga naman may maganda rin palang naghihintay, puro naman kasarapan, ng maluto ang aming lalamunin, kumuha muna ako na dahon ng saging para kainan naming lahat, ng maihain at mailagay sa dahon ang kanin at talong, nagdasal si kasimiro kabayo,pasal na pasal na ang bawat isa sa amin, nakapikit pa silang lahat pero ang mga bunganga nakabukangkang na... aruy diyos ko.. di pa nakaka AMEN, muwal na ang bawat isa... masayang nagsisunggaban ang mga buwaya... daig pa ang mga anakonda... kanya kanyang dakot, sunggab, subo, himod, kahig sa mga TALONG na nakahain, tortang TALONG , pritong TALONG, gulay at siyampre may TALONG pa rin...masayang natapos ang dagmaang yon, nagsimula na rin sa proyektong gagawin ... tuloy tuloy hanngang sa makabuo na sayaw.... at ng mapagod may isang magandang pangyayari na naman ang naganap na mga lalaki lang ang nakinabang... hehehehehehehe.... pero lihim na malupit na lang yun... hehehe.... tanong na lang kay henyong batugan kung ano yun malay nyo sabihin nya, enjoy na enjoy kasi yun sa panonood... hehhe.. may clue na yun...
nagkatulugan na rin sa wakas.. pero pagdating ng alas 4:00, umpisa na naman ng kalbaryo... kalbaryo sa paggawa ng project, kelangang magjapit kasi kinabukasan presentation na... pero sa awa ng diyos natapos at nagawa din namen... hapon na ulet kami umuwi, buti na lang di umulan..... galing palang mantrip ng ulan na yun.. hehehe

Monday, September 29, 2008

buhay skular..

Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.

mangarap ka

mangarap ka at abutin mo 'to. wag mong sisihin ang sira mong pamilya,
palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis.
kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo,
pwede kang manisi at maging rebelde.
tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka,
magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli,
ikaw din ang biktima. rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.

m a h a l k o

Minsan daw, kakapagod magmahal:
minsan masaya tapos may oras na iiyak ka!
Sabi nila magsasawa din ako.
Sabi ko di totoo yun! Alam mo bakit?
"kailan ba nagsawa ang taong nagmamahal ng totoo"......


kahit gaano ko kalakas isigaw sa
buong mundo kung gaano pa rin kita kamahal,
hindi mo ito maririnig dahil iba na mundo mo


Minsan ang daling sabihing
mahal mo sya pero ang totoo,
mas mahal mo yung isa!
pero bakit mo pinipilit na mahalin yung isa?
Simple lang! Syempre, para makalimutan mo
yung mahal mong talaga! Tama ba?


Sana.. Di na lang kita nakilala..
masaya naman ako nun e,
kqhit nung wqla ka pa!
Di tulad ngayon..
Pinapahirapan mo lang ako,
alam kong di mo sinasadyang makilala ako..
Ako rin eh, di ko sinasadyang mahalin ka!!!


Importante ba yung word na mahal?
Ewan ko lang pero para sa akin
mas importante ka, lam mo kung bakit?
Kse how can i say "mahal kita"…
kung wala ka naman!!

Sunday, September 28, 2008

eheemmm part3.

... masarap talagang magmahal lalo na kung mahal ka din ng taong mahal mo.. eh pano kung hindi.. e di sorry na lang better lack next tym.., ang torpe ko kasi ewan ko ba kung bakit ako ganito ngayon, kaw lang nelet ang nagganito saken takot kasi akong may makita ka saken na di mo magustuhan,, mahal na talaga kita e,, lam mo naman na nanliligaw na ko sayo, ano na ba talaga ang pedeng mangyari saten nasa akin ba talaga ang problema kung bakit di tayo maging tayo, o nasa iyo din,,, maghihintayan ba tayo, o may hinihintay naman ba ako?
iba talaga nagiging mood ng araw ko sa tuwing makikita kita, masaya, feeling ko ubos lahat ng problemang dinadala ko ... ge saka na ulit... may manggugulo sa likod si kubang liyad... kenaman na e... nawawala konsentrasyon ko...kuh po

rush hour....

...buhay estudyante na naman, tulad na naman ng dati kukulangin na naman sa oras... dami gawain sa skul,,, pihado overnyt na naman kelangan maghabol e.. haizzz, makakaya ko kaya yung sa presentation ng public speaking, 2 days to go presentation na...my acting individual, magaayos ng program at my groupings pa... final na kasi tambak na naman ang trabaho... panu na to,, pati bulsa namomroblema...haizzz ku poh..

sam at piolo


...ang kontrobersyal na relasyon sa cp am noong first year... si piolo at sam... at ang nasa likod na si ilong solis... hahaha... ang pag iibigang walang humpay at patuloy pa rin ang magandang pagtitinginan....nasa taas ang matinding ebidensya...hehehe... peace ..tayo mga tolzzz.....

Friday, September 26, 2008

happy b-day....

...bertdey ko na... masaya naman kahit bertday tuyo.. pakiramdam ko nung umaga normal day lang... lilipas ng walang magandang memories ngayong bertday ko... hahaha... dami ng greet nung gabi katuwa naman... tsaka nung umaga ...ang mga tarantado kong klasm8 isinulat pa sa board 27 years old daw ...hehehe kita namang mukhang 18 lang.. hehehe... dami nagpaparamda ng barikan pero cenxa talaga wala pa e... hapon na ganun pa rin ang takbo ng araw normal pa rin kung tutuusin... kala ko nga di ako igigreet ng mahal ko buti na lang naalala nya masaya talaga kapag naalala ng mahal mo yung araw na importante sayo... pero eto pa rin yun ipinagpapasalamat ko, di ko nga inexpect yung gagawin ng bestfriend ko.. pasurprise surprise pa.. hehehe.. kala ko nga maglolomi lang kame.. yun pala sya pa yung naghanda at nagpabarik... sobra akong napasaya... salamat na lang sa bestfriend ko he save my day... kasama ko pang bumarik si sam ayun 11:30 na ng gabi kame nakauwi, inabot pa nga ng ulan... at dun na din natapos ang bertday ni berto ,,masaya naman ako...hehehe ...happy 21 birtday na lang saken....

Tuesday, September 23, 2008

bukas na....

huhuhu.. bukas na ang bertdey wala pa ring ena pano kaya to makakaraos... hoy mga tikbalang ng alak,, wala bukas inuman... tsaka na lang sa october 2, sama na lang yung amin ni bardagul ha... eto pa nakakalungkot, di ata alam ni nelet bertday ko... kalungkot talaga... miz ko na nga sya kasi naman nakasun ang gamit nya ngayon...yun tuloy sobra kong namimia mga text nya.. haiz... kapag di nya ko binati magwawala ako....waaaaahhhhhhhh!

pahirap sa skolastik 0.1..

0.1.a

accounting 101... gagawan namin ng isang easy way system ang financial report.. haizzz.,, dami talaga nito nakakalito pa,, income statement, trial balance at balancesheet, manual pa nga lang ang hirap na,,..pero buti na lang mabait pa rin instructor namin maaga nya ibinigay yung project ,,tsaka groupings pa... hehehehe... malaking advantages yun para samen kasi madaming ang idea ang papasok....




0.1.b
another system project for major subject.. huhu.. individual to tsong... system for enrollment..hmmm....

anu ga yan...

...haizz, buhay studyante talaga, ayan na naman tambak ang project, ayun hirap na hirap pa din ang bulsa kawawa na naman ang inay... hirap naman kung mageextra pa ngayun ng work...
pero ok lang di na rin naman bago ang ganitong eksena.. matatapos din to... ganyan talaga ang nagpupursigang studyante...hahaha....

tres 101...

...hehe katuwa naman ang araw na to ang daming tanga... hahaha nag labasan talaga mga katangahan.. biruin mo ga naman ang ganda ganda ng upo nung lalaki ewan ko kung sino yun, paglaruan ga naman ang silya ..ayun gunggong eh di yun nagpagulong.. muntik na di makatayo... at eto pa haha... kumakain kame...eh si joey pati ga naman ketsap e di pinakawalan..pinaglaruan din ayun eh di sabog sa kanyang polo...pati katabi nadamay,,hahahaha... are pa yung si sam..yun ga namang pinagtingahan ilagay sa ulo ni ilong yung isa ko ring klasm8...hahaha...di pa nagtatapos dyan.. ang katangahan naman ng driver...alam na baha e kabilis bilis ng patakbo ayun tuloy pati kame nasabuyan ng tubig...huhuhu... bago ako umuwi nu pa kaya ang mangyayari...???? hmmm... haizzzz

Sunday, September 21, 2008

eheemmm part 2..

...hahaha.. bakit ga nga eheem ang title nito.. haizzz.. naisip ko lang.. mga gago ko kasing kaklase kaya naisip ko yang title na yan... ganito yun sa tuwing makakasalubong kasi namin si nelet yun ehem ng ehem ang mga luko.. hehehe at yun na ang mahabang istorya ng title ko... kaluko...

low-ko...




yan ang kalokohan namin sa anilao...hehehe...si adrian na lasengero...yahooo..

haping hapy...

Saturday, September 20, 2008

lapet nah.....

haiz.... dagdag numero na naman.. dami na nagpaparinig... mga mukhang alak talaga, hindi naman uminom ng gin ..haiz.. lapit na nga kaso ala pang ena.. sino magpapautang!!!!!! next wik na yun..
isang mandang araw na naman ang dadating.. maging masaya sana.. sa pagsapit ng bertday... hope maulit uli madaming mapasaya, masaya ako msaya kaibigan ko, masaya lahat... alak lang na naman katapat na yan eh.. hehehe... gudluck na lang saken... huhuhu.. magtatago ako senyo...hahahaha

sayo to nelet....

Maniwala ka sana


Nung una kitang makilala di man lang kita napuna,

di ka naman kasi ganoon kaganda, di ba?

simpleng kabatak, simpleng kabarkada lamang ang tingin ko sa'yo.

di ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito!
ako'y napaisip at biglang napatingin,

di ko malaman kung anong dapat gawin!

dahan- dahan nag- iba ang pagtingin ko sa 'yo,

gumanda ka bigla at ang mga kilos mo'y nakakapanibago!

napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso.

bad trip talaga! na- i- in lab ako sa 'yo!

tuwing kita'y nakikita ako ay napapangiti,

para bang gusto kong halikan ang iyong mga pisngi!



minamahal kita! ba't di ka maniwala?!

anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo

ang aking sinasabi tungkol sa pag- ibig ko sa 'yo?

maniwala ka sana, minamahal kita!

nasira na yata ang ulo ko,

kaiisip ko sa 'yo kahit saan tumingin ay mukha mo ang nakikita ko!

pero bakit para kang naiilang, ako ay iyong iniiwasan?

ako'y nahihirapan uy, wala namang ganyanan!

pakiramdam ko ngayon ako ay nagmumukhang gago!

ngayon ako'y nagsisisi kung bakit ako nag "i love you"!!!

kasi di na tayo tulad ng dati ngayon sa akin ay diring- dire!

Thursday, September 18, 2008

talam...ni berto


All of us have a sense of mission, but we may not be able to fulfill that mission if we also afraid to fail. Life is about rising and falling. We must take the risk and grab the opportunity given to us.


I will continue that I already started, I'm Albert Panaligan, born last September 25, 1987, 20 years of age, presently residing in Balagtas, Batangas City, together with my family. I', the son of Mr. Nestor and Mrs. Rosalina Panaligan. We are eight in the family including my two sisters and two brothers. Having them is really a great treasure for me which nothing can replace.Yours truly is a kind of person who wants to get along with other people. Meaning being with others makes my life more enjoyable and at the same time exciting. Friendship is is very valuable for me. Without any doubt, I can say that I have a lot of friends in times of their happiness and of course at the times of their loneliness and they somebody to lean on. Honestly, I'm proud to introduce to you a very important person in my life-my bestfriend. He is no other than Mr. Brayan Gloriani, a good person and someone I can lean on whatever my problem is. Also, I'm very much interested with the things that challenge to me. Those things that challenge me to do my very best. Thats the reason why I take this course, I"m a Computer Programming student of the Colegio ng Lungsod ng Batangas.. to test my talents and of course my intelligence.I can be whatever I want. I will never quit despite my defeats instead manage to stand upright, overcoming obstacles that keep on preventing me from winning the race....Then continue my JOURNEY!....

ehemmm...



ehemmmm...proudly present...ang babaeng nagpatibok na malumbay kong puso...
matagal din akong nabakante...tagal ko na ding nagisa simula nung maghiwalay kami ni batang x...malungkot...masakit...mahirap makamuv on.... pero alam ko lilipas din ang lahat ...dito sa clb muli kong natagpuan ang tunay kong pagibig.. binago nya talaga ang buhay ko..noong una akala ko mahirap syang pakisamahan..syempre mukha syang suplada..di ko alam ang ugali kung ano meron sya..sosyalin kasi.. first year pa napapansin ko na sya yun nga lang itinago ko muna... that time meron pa din naman syang bf nun... wala pa rin akong pagasa na magiging malapit kame..but now second year na kame iba na ang pakikitungo namin sa isat isa ala na sya ngayong bf... palagi ko syang nakakatext... masaya akong habang katext nya..pero kapag di na nya ko nakakatext, hindi ako komportable, minsan di nga ko makatulog e, iniisip ko sya palagi...ng makilala ko sya sobrang lalo akong nain love sa kanya hindi pala sya yung babaeng inaakala ko na masama ang ugali at suplada... mabait, sweet, di ka maboboring sa kanya... to be continued..............

Wednesday, September 17, 2008

low low low sa anilao



hehehe....outing naman sa anilao ..suot pa ang pinatatakang binasta na.. todo post sa camera kahit sobrang dilim... una akala namin hindi magiging masaya konti lang kasi kami nun... pero nung gumabi na gumawa na ng eksena si adrian first time ata nitong malasing... sumayaw ng sumayaw ng low low low low...hehe... yung sama ng loob nga kay sir rey siniwalat lahat... drawing kasi e... nangako kasi samen na susunod sya...eksena lage e... ay hanep ilang beses na kameng pinangakuan...puro naman pala kadrawingan..adviser pa naman namin yun ...haizzzz di pa rin nagbago... hanggang ngayon di pa namin nakakasama...puro palusot...hehehehe....sa sobrang kalasingan ni adrian di nya alan yung kinakain nya nilagyan ko ng sili...hehehe e di yun nahulasan... masaya talaga nung gabi...at eto may surprise pala... birthday pala ni ariane that time.. nagpabili pa ng generoso e di tiba tiba na naman mga tiyan namin...hehehehe.... nasira pa ang short ko kakatawa kaya yun iniwanan ko na lang ... si marol binuhusan pa ni adrian ng malamig na tubig...hehehe.... umaga na rin nagkatulugan... ala namang hang over kundi si adrian lang..hehehe...sarap maligo nung umaga...malamig ang tubig.....hehehe... taz yun naguwian na ala na kasing matsibog....

making a project.."ilijan adven"


ahm...project namin sa multimedia subject namin...making a video, buong klase magkakasama.. may inuman... me nalasing nga si bhangs at ciempre naman di lang sya nagiisa...ang matatakaw sa alak si...rionel...mga lantang gulay,...ay hanep naging tagaalaga pa ng dalawa...si rio tawag ng tawag ng uwak..habang nakasilip sa bintana.. kala nga namin..drakula sa bintana... hanggang umaga di kame pinatulog ng dalawa..iihi, susuka, iihi susuka... pati mga nakahiga ginugulo...dag anan...tulakan, kakasura na nga... siguro mga 4am na kame nakatulog kaya yun mga bangag ang itsura... yun nga lang sa sobrang haba ng oras namin...wala ring nagawang project...hehehe...kaya yun nagusap usap ulit sa iba namang lugar... tanghali na nkauwi....bagsak lahat sa dyip....haizzzzzzzzzzzza! mga mukhang ginahasa habang natutulog...kame naman enjoy sa bubong ng dyip...sikip na kasi sa loob e...hehehehe...enjoy naman....umuwing dala lahat ay tubal....

Tuesday, September 16, 2008

make a project...

kung saan saan nagpupunta.. masaya buong klase kasama....

..freshmen..

unang pasok tahimik lang ako...

Saturday, September 13, 2008

go..go...go....

tara na at makigulo sa klase ng henyo sa kompyuter...hehehehe
joke lemeng....

nga pala I'm computer programming student.... proud to be skular...of
the Colegio ng Lungsod ng Batangas

balik esKWELA


masaya are ga mga kaklase ko...

magugulo, iba niba ang ugali, maiingay, pero madaling pakisamhan, tunay na kaibigan

.....hehehehe...

year '07

my college lyf begin........
akalain nyo un natupad din ang panapangarap ko....
hahahahahahahaha...... ano kayo ngayon...hehe..

hay skul berk's


madel at jen lan lang sa barkada ko nung hay.....

nakagraduate na si berto

nung lisanin ko na ang skul ko nung hi-skul diretso aplay ng trabaho...
pero xempre nangangarap pa ring makapag college...ilang year din akong nagtrabaho...
mahirap...paro aus na din pagdating ng swelduhan..
may pang gimik na...may pambili ng pasalubong sa mga tao sa bahay....
mababait kapag may dala ...hehehe ...kapag wala...wala lang lage na lang bunganga ng bunganga...hehehe

hay skul c berto

masaya ang hi skul life ko...unang napasabak sa pakikipagbarkada
merong masasayang araw meron din namang kulang na lang e
isumpa mo na lang ung araw na yun...
sa mga barkadang di mo matanya ang mga ugali... hehehehe...
but itz a part of growing up...
masaya ang hi-skul lahat ng first time exciting...hehehehe..
makipaghabulan sa principal dahil sa kaingayan naming magkakaklase...
manood ng rambulan ng ibang estudyante....

buhay skul....

Simple lang akong tao....
pangarap k0 talagang makapagtapos ng pag-aaral,
pagkagraduate ko ng hi-skul kala ko hanggang hi-skul
lang ako...kc pagkagraduate ko ng hi-skul alam ko na di kayang
suportahan kapag nag college pa ako kaya mula nung makagraduate
ako e nagtrabho na agad ako...