Tuesday, October 7, 2008

whaaaaat

wahaha... may latest mga kabaryo... visit nyo blog ni vivian, kawawang kubang liyad, .. ang pag ibig nga naman di mo alam basta basta na lang dumadating , kahit hindi mo hanapin kusang magpapakita at lalapit sayo,...ahmmmm... bakit nga ba ang love kalimitan nagsisimula sa pagkakaibigan hanggang sa di mo namamalayan, iba na pala yung nararamdaman mo akala natin kaibigan pa rin yun pala iba na...... cguro kapag dumating ang ganyang pagkakataon o sitwasyon, maging totoo na lang tayo, walang masama kung magkatuluyan ang isang magkaibigan, di ba vivian at sam,,,,................................................. wag nyo naitago ang nararamdaman nyo...hehehehe

C... P... A ...M

Samahang nagpapatibay ng bawat isa,

walang iwanan at patuloy ang damayan,

ang samahang simple at may ibubuga,

may pakikisama, masaya, magulo,

pero nakakabilib na pagkakapatiran!



"barkada ko to!"

ang barkadahang di ka iiwan anumang ang mangyari, sa anumang sitwasyon buo pa rin at walang humihiwalay, sa kasiyahan, sa iyakan, sa problema, sa kakulitan, kaingayan, kaguluhan at pagdadamayan, may pakialam ,concern at pagalala sa bawat isa, sa mga proyektong gagawin anjan pa rin lahat ibat iba man ang grupo na kinabibilangan, anjan pa rin ang pagtutulungan ang pagbibigay ng idea, pagtulong sa pagpapaganda ng ginagawa, may kompetisyon man sa mga school activities hanggang dun lang yun dahil sa puso ng bawat isa walang kompetisyong nagaganap, walang mangunguna, walang iibabaw, walang lalaglag at walang iiwanan, sabay sabay na aangat at aabutin ang pinapangarap, bilang isang miyembro ng samahang ito i'm very PROUD na kabilang ako sa ganitong uri ng samahan... hindi mo basta basta makikita at makikilala ang mga ganitong tipo ng tao, mahihirap man pero may ipagmamalaki, hindi man sa pera o anuman yaman dito sa mundo, maipagmamalaki mo naman ang nasa loob ng puso ng bawat isa....

nalalapit na ang paghihiwalay ng bawat isa sa amin, malapit na kasi namin lisanin ang lugar na di namin malilimutan, ang lugar kung saan nabuo, napatibay ang samahan, ang lugar na nagkakilala ang bawat isa sa amin...ang lugar na nagsilbi naming tambayan,tahanan at saksi sa mga pinagdadaanan, sa problema man o kasiyahan.... ang Colegio ng LUngsod ng Batangas....
sa sunod na taon patuloy ng magpapaalam ang bawat isa sa amin...Sana ang pagpapaalamanan na magaganap ay hindi yung iwanan at kalimutan, sana ito ay isang gudluck sa sunod na level ng ating buhay, goodluck sa panibagong makikilala at magiging kaibigan... at pagdating ng tamang panahon ay magsamasama muli ang lahat.......................................


"wag nyo kaming hahamunin at susubukan dahil alam namin ang salitang 'PAGLABAN! "

sembreak adventure....







..cguro ngayon pa lang nagiisip na tayo kung anong balak ngayong sembreak, madami ng liwaliw ang pumapasok sa isip ko, ang magrelax , magpakasaya, pumunta kung saan gusto, bumarik kasama ang barkada, tumambay hanggat kaya, makigulo sa barkadang matagal tagal na ding di nakakasama, makipagkumustahan sa kanila, magbakasyon sa ibang lugar, at ciempre ang bonding ng magkakaklase na kasama sa hirap at saya, maulit yung kasiyahan ng huling sembreak namin, at ibalik yung magandang alaala na naipon naming magkakaklase, makasama sila ng na di pinaguusapan ang mga project, usapang kaibigan at kapatirang ng nagiisang grupo ng CP-AM (clb) ..grupong patuloy na tumitibay anumang harapin at pagdaanan,...haizzzz, makakaya ko bang gaawin yun???????????????????????.... pero hanggang sa isip ko na lang ata yun... sa sitwasyon ngayon kelangang paghandaan ang mga dadating na araw, ang magipon at maghanap na lang ng trabaho ang nararapat kong gawin... cgurado sa 2nd sem balda na naman ang bulsa ng tatay sa mayat mayang paghingi ng kwarta.... sigurado ko din na sa sembreak magiging busy pa din ang mga katulad ko, isa pa di pa rin nakakapag hanap para sa ojt, sa sembreak kasi namin balak maghanap di kasi namin maisabay ngayon kasi kulang kame sa tym....

final exam....


...3 subject ang may written exam namin.pero kahit tatlo lang yung subject tambak naman ang notes na dapat i-review, buhay estudyante nga naman mahirap, masaya, challenging.minsan nakakasura na....hehehe, pero ok pa rin naman ang ganun estudyante e dapat magtyaga, kung ang mga teacher nga nagpapakahirap at matiyagang gumagawa ng mahirap na exam,,dapat tayo din magtiyaga, para din sa atin tong ginagawa nila...e. unang araw napasabak agad, sa business system developement, kakalugaw ng utak ang enumiration at definition, at areng true or false ang pinakaayaw ko, puro hula lang talaga, pero buti na lang nareview ko yung mga quiz dati, lahat kasama yun kea di na ko maiitlog... hehehe.... sunod na araw, ngayon after nitong lab namin sa web page exam namin sa public speaking,,,, dami ding saulohin di nga namin alam kung ano exam, surprise exam lage e, baka essay na naman dun pa naman ako mahina sa pasconstract ng english...... yaeh na... bahala na lang mamaya...gudluck na lang....

sem break....

malapit na ang sembreak di pa rin kame magkaandugaga sa project, mukha atang magigipit na naman sa tym ang lahat, friday na ang submit, ala kaming mapaggawaan ng project, ala kasing install ng visual basic yung pinagcocomputeran namin, sa iba naman punuan, makakaya kaya namin matapos hanngang bukas, rush hour na naman cgurado damay pati mga bulate sa tyan, di makakakain na naman e..... may presentation pa kami sa p.e sa monday at may program pa sa tuesday... haizzzz

Saturday, October 4, 2008

si lola.....


valentina....hahahaha.......a cute mo jan tol... sana ganyan ka na lang..hehehe...

the owl and the pussycat the making...




...puro na ata kamalasan at kabalbalan ang inabot namin sa nagdaang linggong ito, biruin ba naman, sa isang araw na preparation ay pahirapan talagang mabuo namin ang dalawang sayaw at isang speech choir, naubusan na kame ng masasakyan,inabot pa kami ng malakas at nakagigimbal na ulan, halos basang sisiw kaming lahat sa loob ng tricycle, para kaming sardinas na nagsisiksikan sa loob, lusong sa baha, lusong sa putikan, ng maabot na namin ang aming tinatahak na lugar, di namin namalayan na lumampas kami sa lugar na aming patutunguhan, at ng makarating kami, bigla na lang kumalma ang nagsusungit na kalangitan, hayop na ulan na yun para atang nananadya... at nung oras na yun di rin nakikisama ang mga alaga namin sa tyan, galit na galit at animoy nagwawala sa kagutuman, nung oras sing yun nagsimula na kaming magluto, sa tagal ng pinaghintay namin, aba nga naman may maganda rin palang naghihintay, puro naman kasarapan, ng maluto ang aming lalamunin, kumuha muna ako na dahon ng saging para kainan naming lahat, ng maihain at mailagay sa dahon ang kanin at talong, nagdasal si kasimiro kabayo,pasal na pasal na ang bawat isa sa amin, nakapikit pa silang lahat pero ang mga bunganga nakabukangkang na... aruy diyos ko.. di pa nakaka AMEN, muwal na ang bawat isa... masayang nagsisunggaban ang mga buwaya... daig pa ang mga anakonda... kanya kanyang dakot, sunggab, subo, himod, kahig sa mga TALONG na nakahain, tortang TALONG , pritong TALONG, gulay at siyampre may TALONG pa rin...masayang natapos ang dagmaang yon, nagsimula na rin sa proyektong gagawin ... tuloy tuloy hanngang sa makabuo na sayaw.... at ng mapagod may isang magandang pangyayari na naman ang naganap na mga lalaki lang ang nakinabang... hehehehehehehe.... pero lihim na malupit na lang yun... hehehe.... tanong na lang kay henyong batugan kung ano yun malay nyo sabihin nya, enjoy na enjoy kasi yun sa panonood... hehhe.. may clue na yun...
nagkatulugan na rin sa wakas.. pero pagdating ng alas 4:00, umpisa na naman ng kalbaryo... kalbaryo sa paggawa ng project, kelangang magjapit kasi kinabukasan presentation na... pero sa awa ng diyos natapos at nagawa din namen... hapon na ulet kami umuwi, buti na lang di umulan..... galing palang mantrip ng ulan na yun.. hehehe